Sunday, May 11, 2008
{ 6:27:00 PM }
ayan.nasapian na talaga ng masamang espiritu yung compter namin kaya dito muna ako nagcomputer sa isang computer shop malapit sa'min. kasama ko pa ang mabait kong kapatid.
di pa ako makapag-post sa sarili kong cbox. ohmygollygee. haha. ambaduy nun ee. kaya dito ko na lang sasagutin yung mga nag-post dun.
*kevon- hello din. haha. musta na dyan?
*clarisse-aa ganun ba. haha. text mo sa'kin pag pupunta na ate mo sa bahay namin ha. baka maabutan kasi akong hindi pa naliligo. asar yun. haha.
*mary-nagloko na talaga yung computer namin. ayaw pa magbukas e,kainis. baka matagalan pa bago mapaayos yun. lagi kasi yung nasisira. haha. nagagalit na nanay ko kasi lagi niyang pinapagawa.
ayan.ayan!haha. sana mas marami pa ang mga readers ko.
may bagong blog nga pala si dadi! hahaha. asteeg. siguradaong emo na naman yun aa.
marami nga pala akong ikkwento.
uhm. yun lang birthday ni m**issa. haha. madaming pagkain. grabe ee. sobra-sobra. haha. sabi daw ni m**issa bente daw dadating eh wala pa ata kaming sampu nun. mhm. mga 12 ata. haha. ayun. marami din kasing hindi naka-attend. pero ayos naman ang lahat. hanep ang bodyooke nila, napalaban akong maigi!haha. at syempre pati ang mga lalaking mas adik pa magbidyooke. haha.
late na akong umuwi noon ee. alas-otso na ata. usapan pa naman namin ni papa na ala-sais nasa bahay na ako. ayun. haha.napagalitan tuloy. tsl
mhm..
hanep. dapat nasa bahay na ako ngayon e. nakakatamad na dito. gusto ko lang naman talaga makita ang blog kong to. na-miss ko lang. haha. sana nag-30 minutes na lang ako. sayang na pera. sayang pa oras.
ay.ay.sige,yun lang.
Labels: battery, blood, comments, dota, eight, emo, manic monday
Saturday, May 3, 2008
{ 4:03:00 PM }
magaling!magaling!magaling!
may virus ang computer namin.
tsk.tsk.kaya mahirap ang buhay ko ngayon.
ahahoy!yun lang muna.
sa susunod na ang mga kwento.♥Labels: halo-halo, imeem, pantal na makati, shampoo, virus
Friday, May 2, 2008
{ 12:38:00 AM }
aba. may na pala. haha. malapit na din mag-'mother's day'. sabi nila maswerte daw yung unang ulan ng mayo kaya maraming naliligo sa ulan. sakto naman kaninang umulan ng malakas. gusto ko sanang maligo kaso anlaki-laki ko na at di na ako bagay sa mga ganyang bagay. pero nung nainggit ako sa pamangkin kong naliligo, naligo na din ako. ngunit mapaglaro talaga ang tadhana dahil kung kelan naman maliligo na ako ay bigla namang tumila. tsk. nakakainis. nanuod na lang tuloy ako ng 'game ka na ba?'. nag-enjoy pa ako. tsk.
ayun lang. gusto ko lang i-share. haha.
at labor day din nga pala ngayon. este kanina, may 2 na pala. haha.Labels: gameshow, labor day, picture message, pusa, ulan at araw
Thursday, May 1, 2008
{ 11:53:00 PM }
WAW! na-miss ko talagang mag-post dito. haha. mga ilang araw lang naman akong di nakapagcomputer ee. exagg ba? haha. at. madami-dami din akong maikkwento. sinapian rin kasi ng masamang espiritu tong computer namin kaya naisipan kong mag 'blog leave' muna pansamantala. haha.
birthday ng matindi at magiting na si m* nung makalawa, abril 29. at ayun, labing-anim na taon na rin siya gaya ko. haha. pantay ka kami. SWEET SIXTEEN. ♥
nagkaroon lamang ng kaunting salu-salo sa kanilang tahanan kasama ng HAG.A.BOLS at iaba pang kaibigan at kaanak. at dito rin ako unang bes nakapaglaro ng monopoly. haha. yung nalaro ko kasi nung bata pa ako ee kidypoly yung tawag. ayun. masaya naman. baguhan lang talaga ako at nag-enjoy naman ako.
sayang wala akong dalang camera noon para kumuha ng ilang litrato kasi wala na akong battery.tsk. at di ko din nakuhanan yung otap cake na ginawa ko para kay manong m*. graham style cake pero otap ang ginamit ko. haha. astig ee.
natapos naman nang maayos ang handaan kina m*. pero pagkatapos ay pumunta pa sila(m*, n*co, n*lson, j**fi at sh*rwin) sa tindahan namin para magbiyooke. at alas-onse na yun natapos. haha. matindi talaga nung kumanta sila ng 'order-taker'. grabe.
muli ay happy birthday m*. haha.
ayan. ahaha. astig.
teka. yun na lang muna ang mkkwento ko. gabi na ee. sa uulitin na lang.
TEKA.
nga pala, sabi ng ama't ina ko ay di muna ako magma-mapua. di daw kasi kaya. ayun. problema. kapatid ko muna daw. ayun. yun lang.
ps. birthday nga pala ngayo ni m**issa. HAPI BERDAY. haha. sana mabasa mo to.♥
Labels: m*, otap, pantal na makati, virus, yabang pinoy